Kapag pinasok ang isang warehouse sa isang residential area sa Central Tokyo, aakalain mo na ikaw ay nag-balik sa sina-unang panahon nuong digmaan sa Europa.
Suot ang isang metal armor, ang mga miyembro ng Castle Tintagel Dojo sa kapitilyo ng Mejiro District, ay nag-lalaban laban sa pamamagitan ng isang medieval warfare simulation.
Sinabi ni Jay Joyes, 49 taong gulang, taga-Estados Unidos at pinuno ng Dojo na siya ay nagkaroon ng interest sa mga European armor matapos mabasa ang librong “King Arthur” nuong kabataan niya.
Ang metal armor ay may bigat na 20 hanggang 30 kilos, samantalang ang mga espada, palakol at iba pang mga sandata ay gawa sa Rattan wood, na tipikal na ginagamit sa pag-gawa ng mga kagamitan sa bahay. Ayon sa ilang miyembro ng Castle Tintagel, ang mga beteranong miyembro ay lumalaban minsan na may gamit na sandata.
Matapos bigkasin ang mga katagang “My Lord” at “My Lady”, sila ay mag-sisimula ng mag-laban. Malalakas na tunog ang maririnig sa loob ng warehouse sa bawat pag-hampas ng sandata sa mga metal na kasuotan.
Sinabi ni Kiyora Kagawa, 42 taong gulang, 6 na taon na ang nakararaan nuong siya ay sumali sa Castle Tintagel, sa isang dahilan. ” Ito ay Cool!”
“Ang katawan ng bawat manlalaro ay nababalutan ng metal na kasuotan na nag-sisilbing proteksyon ng kanilang katawan, kung-kaya’t wala kang mararamdamang sakit kapag hinampas ka ng sandata,” ani pa ng naka-ngiting ginang.
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation