4 na katao ang isinugod sa pagamutan matapos maka-langhap ng kakaibang amoy mula sa isang kilalang templo sa lungsod ng Kyoto.
4 na puro kababaihan ang nag-reklamo ng pag-sama ng pakiramdam matapos malanghap ang kakaibang amoy. Ayon sa paramediko, hindi naman nakaka-bahala ang mga sintomas na kanilang naramdaman.
Ang insidente ay nangyari nuong umaga ng Miyerkules sa Nanzenji Temple sa silangang parte ng Kyoto. Inalerto agad ang mga kapulisan matapos maka-tanggap ng report na mayroong parang amoy ng kemikal na sumisingaw mula sa loob ng abott’s quarters o “Hojo”.
Ayon sa ulat ng mga pulis, iniestimang nasa 50 katao ang bumisita sa templo nuong mga oras ng nangyari ang insidente, nasa 24 katao ang na-ulat na nag-karoon o nakaranas ng pananakit ng lalamunan at iba pang karamdaman.
Sinabi ng mga opisyales, walang anumang kemikal na ginamit o nakita nuong araw na yun.
Isa sa puntahan ng mga turista ang Nanzenji Temple, dahil ang hojo ay iniatas na isa sa mga National Treasure ng bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation