Isang 32-anyos na Japanese national na dinukot sa Maynila noong nakaraang buwan ay ligtas na nasagip ng pulisya ng Pilipinas noong nakaraang linggo, inihayag ng mga opisyales noong Martes.
Sinabi ng National Police Chief na si Ronald dela Rosa na ang residente ng Tokyo na si Yuji Nakajima ay na-rescue noong Huwebes ng umaga sa Bulacan province sa hilaga ng Manila.
Si Nakajima ay dumating sa Pilipinas noong Marso 22, upang mag trabaho para mabayaran di umano ang kanyang utang.
Pagkalipas ng dalawang araw, dalawang Pilipino na lalaki at isang Hapon na kinikilala bilang si Takashi Miyashita, 61, ay sinundo siya mula sa kanyang hotel sa Manila.
Matapos siyang dalhin sa isang safe house kung saan siya ay pinosasan at tinakot ng baril, noong Marso 25 siya ay inilipat sa bahay ng isang kamag-anak ng isa sa mga suspek na Pilipino sa lalawigan ng Bulacan.
Nang makutuban na si Nakajima ay hindi isang guest, tulad ng sinabi ng mga suspect, at pawang may hindi tama sa sitwasyon, ang kamag-anak ay nag desisyon na tulungan si Nakajima na makipag-ugnayan sa kanyang pamilya sa Japan at sa Japanese Embassy sa Manila.
Sinabi ng embahada ang sitwasyon ni Nakajima sa pulisya, kabilang na ang kanyang kinaroroonan, na humantong sa kanyang pagkasagip noong Huwebes sa isang shopping center sa lalawigan ng Bulacan.
Sa follow-up operation ng mga awtoridad, nahuli nila pagkahapon ang dalawang Pilipinong suspect sa Manila sa nasabing lungsod ng Pasig, na may handgun na nakuha mula sa kanila.
Si Miyashita, na isang wanted sa Japan, ay nahuli ng sumunod na araw sa isa pang suburban area ng kapital.
Ang mga suspek ay nahaharap sa mga reklamo ng kidnapping na may malubhang iligal na detensyon pati na rin ang ilegal possession ng baril.
Dalawang iba pang mga suspek, kabilang ang pinaghihinalaang mastermind na Hapon sa kidnapping ay kasalukuyan pa din pinaghahanap.
Source: Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation