Sa Osaka, isang pampublikong event sa paligid ng Japan mint, kung saan mapag-tatanto ng mga bisita na hindi nag-bubunga ng pera ang mga puno. Ngunit ito ay nag-bubunga ng mga Cherry Blossoms.
Sa hilagang parte ng Osaka, binubuksan ang mga saradong daanan sa publikong upang idaos ang taunang Spring event na pag-tingin sa mga namumukadkad na bulaklak na puno ng mga Cherry Blossoms. Ito ay mag-sisimula sa ika-11 ng Abril.
Nag-karoon ng special preview kanina, ika-10 ng Abril bago tuluyang buksan ang mga nasabing kalsada sa publiko.
![Ang Japan mint sa Osaka ay nag-bukas ng gate sa kalye na puno ng Sakura  Ang Japan mint sa Osaka ay nag-bukas ng gate sa kalye na puno ng Sakura](https://portaljapan.net/wp-content/uploads/2018/04/osaka-mint-sakura.jpg)
Ang mga Senior citizen at mga taong may disabilities ay nasayahan sa katitingin ng makukulay na bulaklak ng mahigit sa 350 na puno na mayroong mahigit 130 iba’t-ibang klase ng puno ng Sakura, kasama dito ang Cerasus Serrulata “Ojochin” na may malaki at bilugan na klase ng bulaklak na naka-laylay sa mga puno.
Ayon sa Japan Mint, ang pinaka-inaabangan ay ang late-blooming na Yaezura Cherry Trees na nasa rurok na ng kanilang pamumukadkad.
Ang nasabing kalsada ay bukas sa publiko hanggang ika-17 ng Abril mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi. At kung weekends, ito ay mag-bubukas ng alas-9:00 ng umaga. Ang mga bibisita sa lugar ay maaari lamang maka-pasok mula sa South Gate at maka-lalabas lamang sa North Gate.
Source: Asahi News Image: Flickr
Join the Conversation