Nuong Huwebes, na-recover ng mga rescuers ang isa pang katawan ng babae sa lugar kung saan nagkaroon ng landslide sa Prepektura ng Oita, ito ay matapos na makumpirmang patay ang isang lalaking residente dito nuong naka-raang araw.
Ang bangkay na natagpuan ay pinaniniwalaang isa sa limang babae na hindi pa natatagpuan nuong nangyari ang pag-dalusok ng lupa mula sa bundok na nag-resulta ng pag-tabon ng nito sa ilang mga kabahayang naka-tayo sa lugar nuong Miyerkules. Ang lugar na pinangyarihan ay sa Yabakei area sa labas lamang ng Nakatsu.
Ang pag-sisikap upang hanapin ang mga babaeng nasa edad na 21 hanggang 90 anyos na hindi pa nakikita ay nahahadlangan ng napaka-raming debris at ang pag-aalala na maaari pang magkaroon ng landslide sa lugar ng pinangyarihan.
Nuong Huwebes, sumali sa pag-hahanap ang mahigit 540 miyembro ng Ground Self-Defense Force, pulis at firefighters.
Gumamit sila ng mga heavy machinery sa lugar kung saan pinag-hihinalaan na libing ang mga bahay, habang maingat na nag-huhukay gamit ang pala sa lugar kung saan nakita ang labi ni Yoshinori Iwashita (45) nuong nakaraang araw.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang kalamidad bandang 3:50 ng madaling araw ng Miyerkules, ito ay may lawak na 200 metro at haba ng 100 metro. Dumausdos ang lupa pababa na nag-resulta sa pag-tabon ng lupa sa mga bahay na naka-tayo rito.
Ang ulan o lindol ang karaniwang sanhi ng mga landslide, ngunit wala naman na-i-ulat na nangyari ito sa nasabing lugar. Ayon sa grupo na pina-dala ng gobyerno upang alamin kung paano nangyari ang trahedya nuong Miyerkules, posible umano na mayroong crack sa ilalim ng lupa ng bundok na nag-sanhi ng pag-guho ng lupa.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang nasabing lugar ay parte ng Yabahitahikosan Quasi- National Park at isang Scenic Yabakei Valley na dinarayo ng halos 800,000 turista kada taon.
Source: Japan Times Image: ANN
Join the Conversation