TOKYO
Ang mala- “Transformers” -style, humanoid robot na maaaring makapag shapeshift sa isang sports car sa loob lamang ng 60 segundo ay inilunsad sa Japan ngayong linggo.
Ang “J-deite RIDE” robot ay ang nilikha ni Kenji Ishida, CEO ng Brave Robotics at isang tagahanga ng anime na pelikula na nagtatampok ng mga robot na maaaring ibago o pagsamahin sa isa’t isa.
“Lumaki ako sa paniniwalang ang mga robot ay may kakayahang gumawa ng iba’t-ibang bagay, ito ang naging dahilan upang bumuo ng robot na ganito,” sinabi ni Ishida sa Reuters Television.
Ang asul at puting robot ay may 3.7-metro ang taas, may bigat na 1.6 tonelada at maaaring magsakay ng dalawang pasahero habang ito ay makakapag transformed sa isang kotse o humanoid form.
Ang ilang mga tao ay maaaring tingnan ang robot bilang isang “napaka mahal na laruan”, ngunit ito ay inilaan upang magbigay ng inspirasyon sa iba, sinabi Ishida.
Ang RIDE ay co-developed kasama ng Asratec, isang robot consulting firm, at amusement ride manufacturer ng Sansei Technologies.
Ang robot ay ide-display sa isang event sa Twin Ring Motegi isang race circuit sa Tochigi Prefecture sa Mayo 5.
Source: Japan Today
Join the Conversation