Ang pangangalap ng 80,000 na boluntaryo na kailangan upang magtrabaho sa 2020 ng Olympic Games ng Tokyo at Paralympics ay magsisimula sa internet ngayong taglagas, sinabi ng mga organizers ng olympic noong Miyerkules.
Ang mga indibidwal na nasa edad na 18 o mas matanda pa as of April 1, 2020, na maaaring makapagtrabaho ng 10 o higit pang araw at makilahok sa lahat ng mga sesyon ng pagsasanay ay karapat-dapat na mag-apply sa panahon ng application period na mula sa kalagitnaan ng Setyembre hanggang bahagi ng Disyembre. Ang mga foreigners na may pahintulot na manatili sa Japan ay maaari din maging isang boluntaryo(tignan ang impormasyom dito).
Ang mga pangkalahatang patnubay ay inihayag sa pulong noong Miyerkules, at sinabi ng mga organizers na ang opisyal na anunsyo para sa mga kinakailangan at kondisyon ng aplikasyon ay gagawin sa katapusan ng Hulyo.
Ang mga matagumpay na kandidato ay bibigyan ng mga uniporme, pagkain at insurance ngunit kailangang bayaran ng sarili ang tirahan at pamasahe sa Tokyo kung sila ay nakatira sa labas ng kabisera.
Ang mga ito ay ilalaan sa bilang ng mga tungkulin sa iba’t ibang mga kagawaran, kabilang ang medikal, pamamahala ng crowd control, suporta sa operasyon ng event, athlete at internasyonal na attendant ng bisita. Ang mga potensyal na boluntaryo ay pahihintulutan na ipahayag ang hanggang sa tatlong mga kagustuhan, subalit maaari silang italaga ng isang papel na hindi nila hiniling.
Ang mga pumasa sa proseso ng screening ay aabisuhan by mail pagkatapos ng Marso 2020.
“Ito ay once in a lifetime experience. Inaanyayahan ko ang lahat na magsumite ng mga aplikasyon,” sabi ni Vice President General ng Tokyo 2020 na si Yusuke Sakaue.
Samantala, inihayag din ng metropolitan na pamahalaan ng Tokyo ang mga alituntunin para sa 30,000 na boluntaryo na naghahanap ng trabaho sa mga paliparan, istasyon ng tren at mga sightseeing spot, at sinabi na ang mga aplikasyon ay tatanggapin mula Setyembre hanggang Disyembre sa pamamagitan ng fax, mail o online.
Ang tinatawag na “mga boluntaryo ng lungsod” na ilalagay sa palibot ng Tokyo sa mga natatanging uniporme ay magta-trabaho ng lima o higit pang mga oras kada araw at hindi bababa sa limang araw.
Magbibigay ang mga ito ng impormasyon sa turismo para sa mga bisita habang iga-guide ang mga tagapanood upang maghatid ng mga impormasyon na malapit sa mga lugar. Magsisimula ang mga programa sa Pagsasanay sa Oktubre 2019.
Source: Japan Today, Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation