JR Shikoku nag-aalok ng mga townhouses sa Kyoto upang gamiting lodging ng mga turista

Kyoto Wooden-style lodging para sa mga turista, iniaalok ng JR Shikoku

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Upang matulungang matugunan ang masigasig na pangangailangan mula sa mga turista, mag-bubukas ang Shikoku Railway Co. (JR Shikoku) ng isang simpleng pasilidad sa Kyoto ngayong kalagitnaan ng Abril, gamit ang istilo na wooden-style townhouses sa Kyoto.

Nag-plano rin na mag-lungsad ng katulad na proyekto sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga tradisyonal na mga bahay sa rehiyon ng Shikoku sa katapusan ng Marso taong 2019.

Sabi ng pangulo ng JR Shikoku na si Shinji Hani, “Sa kalaunan, nais namin na maakit ang mga dayuhan sa rehiyon ng Shikoku.”

&nbspJR Shikoku nag-aalok ng mga townhouses sa Kyoto upang gamiting lodging ng mga turista
An artist’s rendition of the exterior of 4S Stay Kyoto Kujo ( JR Shikoku via Asahi)

Inaasahan ng kumpaniya na maipon ang kaalaman sa pag-papatakbo ng naturang pasilidad sa bagong enterprise sa Kyoto habang itinataguyod ang mga kagandahan ng rehiyon ng Shikoku sa mga banyagang turista na dumadalaw sa sina-unang kabisera.

Ito ang marka sa unang pag-kakataon para sa JR Shikoku na mag-lungsad ng isang pangaserahan (lodging) sa labas ng balwarte nito. Ang pasilidad ay papangalanang 4S Stay Kyoto Kujo. Ang 4S ay sumasagisag sa inisyal ng 4 na prepektura  sa nasabing rehiyon.

Ang kumpanya ng tren ay nag-tayo ng tatlong two-story townhouses na gawa sa kahoy sa isang lote na may laki na 170 square meter. Ang lokasyon nito ay may layo na 1 kilometro sa Timog-Silangan ng JR Kyoto Station. Malapit ito sa Tofukuji Temple at iba pang pasyalan ng mga turista. Ang unang palapag ay nilagyan ng 2 double-bed at 3 maliliit na double-beds naman ang inilagay sa ikalawang palapag.

Itatampok ang mga Tobe teapot ware, mga tuwalyang gawa mula sa Imabari at iba pang mga specialties na gawa sa rehiyon ng Shikoku. Walang permanenteng naka-istyasyon na staff sa nasabing pasilidad, hindi rin sila nag-seserve ng pag-kain. Ang pasilidad ay mayroong kusina na maaaring gamitin.

Ang halaga ng accomodation ng 2 tao ay ¥20,000  o ($189) at ¥5,000 naman para sa karagdagan guest.

Maaaring magpa-reserba gamit ang serbisyo ng US-based na pangaserahan na Airbnb.

Source: The Asahi Shimbun

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund