Punong guro ng isang elementarya ang sinuspende matapos molestiyahin ang isang guro

Punong guro, minolestiya ang isa sa mga nasasakupang gurong babae

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tokyo- Isang 65 anyos na punong guro ng isang elementaryang paaralan sa Tokyo, ay sinuspende ng 3 buwan ng Tokyo Metropolitan Government Board of Education matapos nitong molestiyahin ang isang babaeng guro.

Ayon sa report na inilabas nuong lunes, ang insidente ay nangyari nuong ika-17 ng Enero matapos mag-dala ng mga papeles ang babaeng guro sa loob ng silid ng punong guro, ulat ng Fuji TV. Bigla umanong hinawakan at hinila ng punong guro ang braso ng babaeng guro hanggang sa mag-dikit ang kanilang mga pisngi, at nag-sabi na “maaari ba kitang halikan?”

&nbspPunong guro ng isang elementarya ang sinuspende matapos molestiyahin ang isang guro
(illustrative image)

Kinabukasan ay agad na nagsumbong sa vice-principal ang babaeng guro.

Ayon sa Lupon ng Edukasyon, ang nasabing insidente ay isa sa pitong hindi tamang asal hingil sa mga guro sa Tokyo mula pa nuong nakaraang buwan ng Nobyembre, kung saan pinapatawan ng disciplinary action ang mga nagka-sala sa pamamagitan ng pag-suspende at pag-bawas sa mga sahod.

Source: Japan Today
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund