Share
Inaasahang mag-tataas ng presyo ang mga pagawaan ng mga pagkain at inumin sa buong Japan dahil sa pag-taas ng mga gastusin sa trabahador at mga materyales na ginagamit sa pag-gawa ng mga ito.
Mag-tataas din ng presyo ang mga pagawaan ng mga serbesa. Ani nila sila ay nag-kakaroon ng pag-kukulang sa driver at iba pang mga usapin kung kaya’t ito ay nakadaragdag sa kanilang gastusin. Inaasahan na mag-tataas ang presyo ng mga naka-boteng serbesa ng 10 porsyento.
Mag-tataas din ang presyo ng mga domestic at imported na alak (wine) ng 3 hanggang 6 na porsyento, dahil sa patuloy na pag-taas ng presyo ng ubas.
Inaasahang mag-babayad ng mahal sa bigas, frozen items at dairy products ang mga mamimili sa bansang Japan.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation