Isang 41 anyos na lalaki ang inaresto nuong Huwebes sa diumano’y pag-mamaneho ng isang American Sports Car sa bilis na 235 kph nuong taong 2016 sa isang expressway sa Tokyo na mayroong 100 kph na speed limit, sinabi ng pulis.
Si Yoshimune Shirai ay pinag-hihinalaang nag-maneho ng isang Dodge Challenger sa bilis na 235kph sa Central Nippon Expressway bandang 4:15 am nuong January 29, 2016 sa Kunitachi, Westwern Tokyo. Ayon sa mga pulis, pinabulaanan ng suspect ang ibinintang sa kanya.
Ayon sa mga imbestigador, hindi raw tinatanggap ng suspek ang mga kasong ipinaratang sa kanya dahil hindi naman daw siya ang taong nakuhaan ng litrato ng isang high-way camera.
Sinabi ng pulis na nakita umano ng isang vehicle speed checking system na naka-install sa highway ang sasakyan ni Shirai, sinabi pa nito na maaari nilang ilapit sa prosekyutor ang nasabing kaso sa supetsang pag-labag sa Road Trucking Vehicle Law dahil sa tinanggal ang license plate nito sa harapan ng kanyang sasakyan.
Suspetsa rin umano ng mga pulis na maka-ilang beses na di umano lumagpas sa speed limit ng mga highway at iba pang mga daan sa kapitolyo si Shirai mula nuong taong 2015 hanggang 2016, nag-pakita pa umano ito ng angas habang naka-taas ang gitnang daliri sa kamay sa mga camera ng vehicle speed checking systems.
Source: Japan Today, Kyodo Image: Wikimedia
Join the Conversation