Sa Tokyo, isang 76 anyos na babae ang inaresto sa suspetsang pag-abandona ng walang buhay na katawan ng kanyang asawa sa kanilang tahanan sa Tokyo Arakawa Ward.
Ayon sa mga pulisya, naka-tanggap sila ng tawag bandang 10:30 ng umaga nuong Huwebes mula sa kapit-bahay ng matandang babae upang i-report na naruon sa bahay ang walang-buhay na katawan ng lalaki. Agad na rumesponde ang mga pulis sa nasabing tahanan at duon nakita ang naaagnas ng katawan ng isang lalaki na napag-alamang nasa 80 taong gulang, ulat ng Fuji TV.
Ang asawana si ginang Katsue Suzuki na mayroong kapansanan sa kanyang paa, ay nag-sabi na ang kanyang asawa ay binawian ng buhay isang linggo na ang naka-lipas, iniwanan niya umano ang katawan ng asawa sa unang palapag ng kanilang tahanan dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, wala namang panlabas na pinsalang natamo ang lalaki, kung kaya sila ay mag-sasagawa ng autopsiya upang malaman ang dahilan ng pagka-matay ng matandang lalaki.
Binisita umano ng kapit-bahay ang 2 matanda dala ng pag-alala dahil mahigit isang linggo na niya itong hindi nakikita.
Source: Japan Today
Join the Conversation