Isang babae ang sinaksak sa kanyang apartment

Isang ginang sinaksak ng hindi pa nakikilalang lalaki

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang 42 anyos na babae ang pinag-sasaksak sa pintuan ng kanyang apartment sa Higashiomi, Shiga Prefecture nuong Martes.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap bandang alas-2:00 ng hapon. Gamit ang isang kutsilyo, inatake ng lalaking naka-masked ang ginang habang binubuksan ng huli ang pintuan ng kanyang apartment sa 13th floor, ulat ng Fuji TV. Nag-tamo ng minor injury ang ginang sa kanyang kaliwang kamay.

&nbspIsang babae ang sinaksak sa kanyang apartment
Gamit ang isang kutsilyo, inatake ng isang lalaking naka-mask ang isang ginang habang binubuksan niya ang kanyang apartment sa 13th floor(FNN/reproduction)

Ang lalaking suspect na naka-suot ng Anonymous hacker group ay agad na tumakas sa pinangyarihan ng krimen dala ang kutsilyo na ginamit sa pag-atake sa ginang.

Bilang pag-responde sa nasabing insidente, ang mga istudyante sa mga elementarya at junior high school na malapit sa pinangyarihan ng krimen ay pinayuhan na umuwi ng magkakasama sa grupo nuong Martes ng hapon.

Source: Japan Today
Image: FNN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund