Ang Pilipina na biktima ng isang stalker ay naging ikatlong namatay sa nangyaring sunog sa Nagano noong mamatay ito sa ospital, ayon sa pahayag ng pulisya.
Si Flora Cabornay Kitamura, 41, ay namatay noong umaga ng Pebrero 6 mula sa mga pinsala na dulot ng sunog, na nagyari bandang alas-10 ng umaga noong Pebrero 4.
Siya ay asawa ni Shoichi Kitamura, 57, na namatay sa loob ng kanyang bahay ng manyari ang sunog sa distrito ng Kazama Nagano.
Ang isa pang namatay na lalaki na natagpuang sa loob ng nasunog na bahay ay ang lalaking Pilipino na inakusahan na stalker ng babae
Naniniwala ang pulisya na pilit na pinasok ng lalaki ang bahay noong Pebrero 4 at sinimulan ang sunog, at sinisiyasat ang kaso bilang parehong murder at arson.
Sinabi ng ina ng mga biktima na nasa 85 taong gulang, at nagtamo ng minor injuries sa sunog, ang lalaki ay pumasok na may dalang kutsilyo at inatake silang lahat.
Sinabi ng pulisya na ang asawa ay na-stalked ng isang Pilipino na lalaki na naninirahan sa Yamanashi Prefecture. Nagreklamo siya sa pulis noong Disyembre, at binalaan nila ang lalaki na lumayo sa babae.
Sinusuri pa ng pulisya ng Nagano Prefecture ang malinaw na dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Source: Asahi Image: News TBS
Join the Conversation