Isang lalaki na pinag-hihinalaang pumatay ng sariling anak, nakitang patay sa Expressway

Isang lalaki ang tumalon sa expressway, matapos mapag-hinalaan na pumatay sa sariling anak!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nakita sa isang expressway ang walang buhay na katawan ng isang 46 anyos na lalaki na pinag-hihinalaang pinaslang ang kanyang 20 anyos na anak na lalaki sa probisya ng Chiba. Ayon sa ulat ng Fuji TV, base sa inisyal na imbetigasyon ng mga pulis ang bangkay ay nakita sa Higashi-Kanto Expressway sa lungsod ng Katori, Chiba bandang alas-7:30 ng umaga nuong Lunes.

Tila tumalon mula sa overpass ang lalaki at bumagsak sa expressway. Nakitang naka-park ang kanyang sasakyan malapit sa lugar ng insidente. Agad na dinala ang lalaki sa ospital kung saan siya ay dineklarang wala ng buhay.

Ang lalaki ay pinag-hahanap na ng mga autoridad mula ng makita ang kanyang anak na si Satoshi Kanai na isang mag-aaral sa unibersidad na duguan mula sa pinsalang tinamo sa kanyang ulo sa loob ng kanilang tahanan sa Yotsukaido, Chiba nuong Linggo ng umaga.

&nbspIsang lalaki na pinag-hihinalaang pumatay ng sariling anak, nakitang patay sa Expressway
Hinihinalang tumalon ang lalaki mula sa overpass at bumagsak sa expressway (illustrative image)

Umuwi ng bandang ala-1:00 ng umaga nuong Linggo ang nanay ni Kanai at hindi mabuksan ang kanilang pintuan, dali-dali naman tumawag ng 110 ang ginang. Tumambad ang naka-handusay na katawan ni Kanai nang pumasok ang mga pulis. Nakakita din ng isang metal na bagay na pinag-hihinalaang ginamit na kasangkapan na dahilang magkaroon ng sugat sa ulo ang biktima. Agad na dinala sa pagamutan ang biktima kung saang siya ay dineklarang wala ng buhay.

Nakatira si Kanai kasama ang kaniyang mga magulang at isang kapatid na lalaki na nasa 17 taong gulang na wala sa kanilang bahay nuong maganap ang insidente, natiyak na rin na siya ay nasa mabuting kalagayan. Ngunit hindi alam kung nasaan ang kanilang ama.

Ayon sa ginang, nasa bahay ang kanyang mister at ang panganay na anak at mukhang maayos naman ang lahat bago siya umalis ng kanilang tahanan bandang ala-6:00 ng hapon ng Sabado.

Ayon sa pulis, hindi pa malaman ang rason at motibo kung bakit pinaslang ng isang lalaki ang kanyang sariling anak, ngunit napag-alaman nila na ilang beses kumonsulta sa mga autoridad ang ginang ukol sa away sa loob ng kanilang tahanan nuong November 2015 at July 2017.

Source: Japan Today
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund