Pilipino na stalker at homeowner namatay sa sunog

Isang sunog ang nakatawag pansin sa press ng buong Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang sunog ang nakatawag pansin sa mga press sa buong Japan, dahil sa may history na pananakot at blotter na naka-record na konsultasyon sa pulisya. Ang pamilya ng residente, na biktima ng sunog ay nagsumbong na siya ay nababahala dahil sa isang obsessive na stalker.

Ang sunog ay nangyari sa lungsod ng Nagano noong Linggo (4). Natagpuan ang dalawang sunog na bangkay. Ang nasabing asawa na Filipina, na si Flora, ay nasunog ang parte ng katawan at nasa malubhang kondisyon at ang kanyang biyenang babae, 85, ay nagtamo ng minor injuries.

Sinabi ng lokal na pulisya na ang natagpuang sunog na bangkay ay ang may-ari ng bahay na si Shoichi Kitamura, 57, asawa ni Flora, at ng isang lalaking Pilipino, marahil ang stalker na taga Yamanashi.

&nbspPilipino na stalker at homeowner namatay sa sunog
Ang sunog ay nangyari sa lungsod ng Nagano noong Linggo (4) – ANN/reproduction

Hinala ng mga imbestigador na inatake si Kitamura ng suspect na Pilipino bago mangyari ang sunog. Ayon sa pahayag ng mga witness, narinig ng mga kapitbahay na may nag-aaway bago mangyari ang sunog. Kinukumpirma pa ng pulisya ang tunay na pangyayari.

Ayon sa press, si Kitamura ay kumunsulta sa lokal na pulis noong Disyembre ng nakaraang taon. Sinabi niya na binabahala sila at ayaw tantanan ng isang stalker, lalo na ang kanyang maybahay.

Pinayuhan sila na kapag may nangyari ulit na insidente ay tumawag sila sa numerong 110.

Noong Linggo ng umaga, isang miyembro ng pamilya ang tumawag sa 110 ilang minuto bago nagsimula ang sunog. Nakita ng mga kapitbahay ang isang kotse na may plakang Yamanashi, na naka-park sa paligid ng bahay. Nakitang nag doorbell ang lalaki at binuksan ito ng matandang ina, at doon na nagsimula ang kaguluhan.

Sources: Nikkei and Asahi 
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund