Natagpuang parehas na wala ng buhay ang isang ginang at ang kanyang anak na nasa 8 taong gulang

Mag-ina nakitang patay sa loob ng kanilang apartment.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Pinaniniwalang ng mga pulis ng Saitama na murder-suicide ang kaso ng mga natagpuang bangkay ng isang ginang at ng kanyang anak na nasa 8 taong gulang sa loob ng kanilang apartment.

Ayon sa mga pulis, nakita umano ng panganay na anak ng ginang ang walang buhay na katawan ng kanyang kapatid at ina nuong siya ay gumising bandang alas-7:00 ng umaga nuong Miyerkules, ulat ng Fuji TV. Agad niyang tinawagan angb mga kaanak na nakatira lamang malapit sa kanilang tirahan at saka tumawag ng pulis.

&nbspNatagpuang parehas na wala ng buhay ang isang ginang at ang kanyang anak na nasa 8 taong gulang

Nuong dumating ang pulis sa apartment ng mga biktima sa Minami Ward, nakita nila na may tama at dumurugo ang itaas na bahagi ng katawan ng 8 taong gulang na bata. Agad na dinala ang bata sa pagamutan ngunit siya ay idineklara ng patay. Samantalang nakita namang naka-higa sa futon ang wala ng buhay na ginang. Hindi binanggit ng mga autoridad kung ano ang sanhi ng pagka-matay ng ginang.

Ang tahanan ng mga biktima ay naka-lock mula sa loob at walang nakitang indikasyon na sila ay pinasok ng masasamang loob. Pinaniniwalaan ng mga pulis na pinatay muna umano ng ginang ang kanyang anak bago niya kinitil ang sariling buhay.

Source: Japan Today
Image: News TBS
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund