Ang Gora Park ay isang western style landscape na parke na matatagpuan sa isang matarik na dalisdis sa taas ng Gora Station. Itong lugar na ito sa Hakone, Kanagawa Prefecture ay talaga namang may kanais-nais na tanawin at Naka-gagaan ng pakiramdam.
Ang pangunahing disenyo na ipina-pakita sa Gora Park ay ang French Style Landscape, ito ay mayroong malaking fountain at isang hardin ng mga rosas. Ang nasabing parke ay mayroong 2 greenhouse, isa ay nag-babahay ng mga halamang pang-tropikal at ang isa naman ay hardin ng mga bulaklak.
Bukod pa rito, mayroong restaurant na maaaring matanaw ang fountain at ang Hakuun-do Chaen Teahouse.
Sa Crafthouse naman ng nasabing parke, ang mga bumibisita rito ay maaaring maki-bahagi sa mga aktibidad tulad ng glass blowing, glass etching, pottery at dried flower arrangement. Ang mga nasabing aktibidad ay nagkaka-halaga mula 1000 yen hanggang 5000 yen at maaaring abutin ng 30 minutos hanggang 1 oras para matapos.
Panuorin ang video:
Impormasyon:
Gora Park (強羅公園, Gora Koen)
Oras:
9:00 to 17:00 (last entry 16:30)
Sarado
Hindi nag-sasara
Admission
550 yen (free with the Hakone Free Pass)
Website: Hakone Tozan (in Japanese)
Location on Google Maps, see here
Source: Japan Guide Image: YouTube/HakoneTozanDouga
Join the Conversation