Parami ng parami ang ang mga pribadong junior high school sa sentro ng Tokyo at sa rehiyon ng Kasai Western Japan ang naglalagay ng English na subject sa entrance exam ng kani-kanilang paaralan.
Marami ng mga magulang ang nagpapa-kita ng interes sa nasabing subject, na sumasalamin sa progreso ng pag-goglobalisasyon at inaasahang pag-palit ng porma ng katanungan sa English test sa mga unibersidad.
Sa pag-sisimula ng panahon ng entrance exam, nais ng mga pribadong paaralan ng mga junior high school na mapansin ang kani-kanilang kakayahan sa pag-tuturo ng banyagang asignatura (English Studies), nais din nilang makuha ang mga kabataan na may kaalaman na sa lenguwaheng ingles.
Ayon sa datos na nalikom ng mga operator ng mga Junior High School mock entrance exam, halos 101 na pribadong paaralan ng mga JHS sa Tokyo at karatig-bayan na Saitama, Chiba at Kanagawa ay isinali na ang asignaturang ingles sa kanilang entrance exam para sa parating na taong 2018 na mag-sisimula na sa buwan ng Abril.
Ayon sa Hamagakuen (isang major cram school), halos 6 na paaralan na ang gumagawa nito 4 na taon ng nakalilipas. Samantalang 28 na ang bilang ng mga paaralan sa prepektura sa western Japan tulad ng Osaka, Kyota, Hyogo, Shiga, Nara at Wakayama ay pinag-tibay o nais pag-tibayin ang English subject na isali sa kanilang exam.
Source: Jiji Image: Bank Image
Join the Conversation