Isang pampublikong paaralan sa distrito ng Ginza ang nag-desisyon na gamiting ang disenyo ng Armani na isang sikat na brand mula sa Italya bilang uniporme ng kanilang paaralan, na nag-resulta sa pag-protesta ng mga magulang dahil sa kamahalan ng presyo nito, ayon sa Lupon ng Edukasyon sa nasabing lugar nuong Huwebes.
Ipina-tawag na rin ng oposisyon ng mga mambabatas sa isang Diet Session ng araw din na iyon ang isyu hingil sa uniporme ng Taimei Elementary School na nag-kakahalaga ng mahigit 80,000 yen ($730) ito ay may kasama ng sumbrero at bag.
Ang nasabing uniporme ay pinili ng nasabing paaralan ngunit hindi naman obligadong suotin ng mga mag-aaral, ani ng Lupon.
Base sa Lupon, nag sabi na ng intensyon sa pag-palit ng disenyo ng uniporme ang principal ng nasabing paaralan nuong nakaraang summer pa. Sinabihan umano ng Lupon ang paaralan na makipag-ugnayan at makipag-usap ng maayos sa PTA at mga lokal na residente.
Ngunit nagkaroon ng 5 kaso ng reklamo mula sa mga magulang na hindi mabigyan ng sapat na paliwanag. Isa rito ang nag-sabi na “ Bakit Armani?” Ani ng Lupon.
Sa isang pag-pupulong ng House of the Representatives Budget Committee nuong Huwebes, hinarap ng Party of Hope lawmaker na si Manabu Terada ang isyu, dahil ito ay isang pampublikong paaralan, dapat isa-isip din at kunsiderahin ang kalagayang pang-pinansyal ng mga magulang ng mag-aaral.
At a meeting of the House of Representatives Budget Committee on Thursday, Party of Hope lawmaker Manabu Terada addressed the issue, saying, since it is a public elementary school, “a certain range (regarding parents’ financial burden) needs to be considered.”
Source: Mainichi Image: NHK
Join the Conversation