Aeon Mall mag-bubukas ng kanilang panibagong mall sa dating kinatatayuan ng isang amusement park

Abangan ang pag-bubukas ng bagong Aeon Mall sa Kitakyushu.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa opisyales ng lokal na pamahalaan, sa taong 2021 ang developer ng mga shopping mall na Aeon Mall Co. ay mag-bubukas ng kanilang panibagong commercial complex sa isang lugar sa Kitakyushu kung saan dating nakatayo ang Space World na isang amusement park.

Ang nag mamay-ari ng naturang lugar na Nippon Steel & Sumitomo Metal Corp. at isang unit ng sikat na Aeon Co. ay matagal ng nag-usap tungkol sa kung papaano maga-gamit ang nasabing site sa Fukuoka Prefecture, ipinaalam na sa Gobernador ng Fukuoka na si Gov. Hiroshi Ogawa at Punong Alkalde ng Kitakyushu na si Mayor Kenji Kitahashi na ang Aeon Mall ang napili upang mag-tayo ng kanilang mall sa lugar at mag-patakbo ng proyektong ito.

&nbspAeon Mall mag-bubukas ng kanilang panibagong mall sa dating kinatatayuan ng isang amusement park

Plano ng Aeon Mall na gumawa ng pasilidad na mayroon nang lahat. Maliban sa mga shopping areas, balak nilang lagyan ng aliwan, kultura at mga kainan.

Ayon sa pamahalaan ng lungsod, ang dalawang nag-lalakihang kompanya ay nag-pirmahan na ng pansamantalang kontrata sa pag okupa ng 270,000 square meter nuong Biyernes. Ayon pa sa opisyales, mag-kakaroon ng pormal na pag-pirma sa kontrata ang 2 panig pagka-tapos ng kontrata ng Space World na matatapos sa katapusan ng Hunyo at ang lahat ng kagamitan ng nasabing amusement park ay na-ialis na.

&nbspAeon Mall mag-bubukas ng kanilang panibagong mall sa dating kinatatayuan ng isang amusement park
Inanunsyo na ng Space World sa Fukuoka Prefecture na sila ay permanente ng mag-sasara sa Disyembre taong 2017(Wikimedia/Sanjo)

Dahil sa pag-aalala kung ano ang epekto ng pag-sasara ng papular na amusement park sa lokal na ekonomiya, agad na nag-tungo si Ogawa at Kitahashi sa opisina ng namumuno ng nasabing parke nuong Abril bago pa ito tuluyang mag-sara. Hinikayat nila ang nasabing kompanya na maari pang magamit ang nasabing lupain.

Source: Kyodo, Japan Times
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund