Ang Seven-Eleven Japan Co. ay nag-anunsyo noong Enero 31 na ang bilang ng mga convenience store ng 7-Eleven sa bansa ay umabot na sa 20,033, ito ay sa unang pagkakataon na may ganitong nakamit ang isang lokal na retail chain.
Ang unang stores ng 7-Eleven ay binuksan sa distrito ng Toyosu ng Tokyo noong Mayo 1974, kung saan ang iba pang mga stores ay nagsibukasan sa pamamagitan ng franchising ng mga stores na umabot ng 46 sa loob ng 47 na prefecture sa bansa – maliban lang sa Okinawa Prefecture.
Sa buwan lamang ng Enero 31 may 54 na bagong 7-Eleven stores ang binuksan sa Tokyo, Hokkaido at 23 na iba pang mga prefecture. Ang Tokyo-based na convenience store giant ay nagpa-plano na magbukas at pasukin ang market ng Okinawa sa taong 2019.
Ang kumpanya ay masaya dahil sa patuloy na malakas na benta ng mga produkto nitong mainstay tulad ng mga riceballs at “bento” lunch box, habang nagda-diversify naman sa mga serbisyo upang makapagbayad ng utility bill at tumanggap ng mga parcels sa counter ang mga customer.
Ang kumpanya ay nagpa-plano pa na maglunsad ng 1,600 na bagong outlet bago mag Pebrero 2019 na sa parehong antas tulad ng nakaraang termino ng negosyo, dahil ito ay nagnanais na palawakin pa ang mga network ng tindahan nito.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa bilang ng mga outlet na pinapatakbo ng isang domestic retail chain na umabot sa 20,000 mark.
Source: Mainichi Image: Bank Image
Join the Conversation