Taong 2017 nag-tatala ng pinaka-mababang record ng pagkamatay dahil sa trapiko

Mga namamatay sa aksidenteng pang-trapiko, bumaba.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa mga pulis sa Japan, nag-tala ng pinaka-mababang record ng pagkamatay dahil sa aksidente pang-trapiko nuong nakaraang taon.

Halos 3,694 ang mga taong namatay sa aksidente dahil sa aksidenteng pang-trapiko, ito ay  mas mababa ng 96 na katao base sa naitala nuong taong 1949 na 3,790 isang taon matapos nilang magsimulang itala ng datos ng istatistika, ayun sa National Police Agency.

Sa mga naitatalang namatay sa aksidente pang-trapiko halos 2,020 ang nag-eedad ng 65 anyos at pataas. Kinumpirma nila na mahigit 54.7 ang posyento ng kabuoan ng pagka-sawi at puma-pangalawa na mataas sa talaan.

Ang mga drayber na nag-eedad ng mahigit 75 anyos pataas ang halos may kasalanan sa mga aksidenteng nag-uuwi sa pagka-sawi ng mga biktima nuong mga nakalipas na taon, ngunit ito ay bumaba ng 10 porsyento sa bawat taon na lumipas hanggang katapusan ng Nobyembre. Ayon sa mga pulis, bumaba ang tala dahil sa mga taong boluntaryong nag sauli ng kani-kanilang mga lisensya.

Nuong taong 2017, mahigit 230,000 drayber na nag-eedad ng 75 anyos pataas ang boluntaryong nag-sauli ng kani-kanilang mga lisensya hanggang nuong katapusan ng Nobyembre. Ang panuntunan sa mga pagsusulit tungkol sa sakit na dementia ay mas napag-tibay nuong nakaraang Marso.

Umabot ng mahigit 16,765 ang bilang ng mga namatay sa aksidente sa trapiko nuong taong 1970. Ngunit mahigit 2 dekada nang bumababa ang bilang ng mga taong nasasawi  dahil sa aksidenteng pang-trapiko.

Source: NHK
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund