Planong payagan ng Financial Services Agency ng Japan na mag-sara ang mga sangay ng mga rehiyonal na banko kapag regular na araw bilang suporta sa mga bankong nag-susumikap upang umunlad.
Tumitindi ang sitwasyon ng mga negosyong nakapaligid sa mga pinansyal na institusyon sa bansang Japan. Ang mababang rates ng interest ay ang pumipigil sa kanilang mga kita at ang pagbaba ng bilang ng mga kostumer na bumibisita sa mga sangay ng nasabing institusyon.
Sa ngayon, pinapayagan lamang mag-sara ang mga establisyamentong ng pinansyal na institusyon tuwing weekends, national holiday at ilang araw kapag katapusan ng taon at New Year.
Ang mga naka-planong mga hakbang sa deregulasyon ay nag-lalayong tulungan na mapag-tibay ang kanilang negosyo at mapanatili ang sangay ng kanilang network.
Sa ilalim ng mga alituntunin na isinasaalang-alang, ang mga magkakalapit na banko ay maaaring salitan na mag-bukas ng kani-kanilang establisyamento sa regular na araw. Ito ay magbibigay daan upang makapag-trabaho ang mga trabahante ng bawat sangay ng nasabing institusyon.
Binabalak ng ahensya na palitan ang batas upang mag-bigay daan sa bagong alituntunin.
Plano rin na payagang mag-tayo ng joint branches o pinag-sanib na sangay ng mga pinansyal na institusyon upang mapag-tibay nila ang kani-kanilang mga negosyo.
Source and image: NHK
Join the Conversation