Ang mga convenience store sa Japan ay nag-nanais na mag-lagay ng mga produktong makaka-pabuti sa mga kalusugan ng mga nakatatandang mamamayan, ito ay sa pamamagitan ng pag-alok ng mga pagkaing masustansya at minsan pa ay mag-bigay ng payong nutrisyonal mula sa mga propesyonal.
Isang sangay ng Lawson Inc ay nag-bukas ng kanilang tindahan sa Marunouchi na isang pang-komersyal na lugar sa central Tokyo nuon kalagitnaan ng Enero, an nasabing tindahan ay tinutuonan ang pag-bebenta ng mga produktong mababa ang mga carbohydrates na makikita s mga matatamis na sitsirya, kanin at mga tinapay para sa mga taong health-conscious.
Ang tindahan ay nag-aalok ng mahigit 250 items kasama ang lunch boxes, salad at mga inumin. Ang mga naka-lagay na label sa bawat produkto ay nag-mumungkahi ng iba’t-ibang uri ng masusustansyang kombinasyon ng pagkain sa bawat kostumer. Katulad na lamang ng isang breakfast choice na nag-lalaman ng isang sandwich, green smoothie at nilagang itlog para sa mga taong nais na “mag-trabaho na aktibo sa buong araw”.
Ninanais ng nasabing kumpanya na mapasali sa lumalaking bentahan ng mga produktong at serbisyong mayroong kaugnayan sa kalusugan. Dumarami rin ang bilang ng mga gumagamit ng mga fitness gym sa buong bansa, ito ay umabot ng 9.3 porsyento nuong taong 2016 na mahigit kumulang 248 milyon.
Dumarami ang tumatanda sa bansang Japan at halos ang mga matatanda ang nag-aalala sa kanilang kalusugan kaysa sa mga batang henerasyon. Nangangahulugan lamang na mas madaming matatanda ang gumagamit ng convenience store kaysa sa mga kabataan.
Hindi lamang Lawson ang nag-pupursige na makuha ang nasabing bentahan, ang karibal na tindahan nito na Family Mart Co ay nakipag-ugnayan sa isang fitness Gym na Rizap simula pa nuong taong 2016 upang mag-alok ng mga pagkaing naka-papayat at sa kasalukuyan sila ay mag-bebenta ng low-card instant noodles at pudding.
Ang iba namang sangay ng Family Mart na mayroong drugstore ay nag-aalok ng nutritional advice.
Samantalang ang Seven-Eleven Japan Co., isa sa pinaka-malaking nag-mamay-ari ng pinaka-maraming convenience store sa buong bansa ay malinaw na nilalagyan ng mga label ang packaging ng mga produkto upang mapa-dali ang pag-pili ng mga kostumer ng masusustansyang pagkain
Source: Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation