Ang pag-buhos na makapal na niyebe sa Tokyo ay maaaring nag-dulot ng kaguluhan nuong January 22 ngunit ito ay kabaliktaran sa nangyari sa UNESCO Word Heritage Village sa Shirakawa, Gifu Pref. na ang pag-balot ng niyebe sa buong kapaligiran ay nag-hatid ng isang litrato ng isang magandang tanawin.
Kumukuti-kutitap ang mga kabigha-bighaning “gassho-zukuri” na matatarik na bubungan ng mga bahay nang mag-simula ang taunang illumination na nag-simula nuong January 21.
![Ilumination sa isang snow village nag-simula na mag-hatid ng kakaibang kagandahan sa kapaligiran  Ilumination sa isang snow village nag-simula na mag-hatid ng kakaibang kagandahan sa kapaligiran](https://portaljapan.net/wp-content/uploads/2018/01/shirakawago.jpg)
Marami ang mga turista nang mga turista ang bumibisita sa Distrito ng Shirakawa nuong mga nakaraang taon, ngunit nililimitahan lamang ng 900 katao kada araw ang maaaring maka-pasok sa Ogimachi Castle Observatory Deck na isa sa mga papular na tourist spot sa bansa .
Ang mga bisitang pansamantalang naka-stay sa mga traditional village ay isa sa mga prayoridad na maaaring maka-gamit ng observatory, sil rin ay binibigyan ng mga number ticket na nagkaka-halaga ng 500yen (4.50 dolyares) ang isa.
Ang nasabing illumination ay gagawin pa sa mga sumusunod na petsa: January 28, February 4, at February 12, simula ala-5:30 ng hapon hanggang ala-7:30 ng gabi.
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Light Up Asia ( English lamang)
Source: Asahi Image: Japan Guide
Join the Conversation