Malusog na pangangatawan ng matatandang nag-tatrabaho layon ng Japan para sa isang “ageless society”

Bansang Japan, isinusulong ang pag-tatrabaho ng mga matatanda kahit na sila ay retirado na!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMalusog na pangangatawan ng matatandang nag-tatrabaho layon ng Japan para sa isang

Ang Japan ay dapat nag-hahangad na maging isang”ageless society” na kung saan ang mga mamamayang may edad na nasa 65 anyos na at pataas ay hindi awtomatikong binabansagang senior citizens, kundi dapat na hinihikayat na manatiling malusog at magkaroon pa ng kakayahang mag-trabaho, ito ay ayon sa binagong patakaran ng pamahalaan para sa mga matatanda, nuong Miyekules.

Ang draft, na nagbibigay ng marka sa unang rebisyon sa limang taon ng patakaran ng bansa para sa matatanda, ay nag-sabi din na pahintulutan na antalahin hanggang edad na 70 anyos ang pag-sisimula nang pag-tanggap ng mga mamamayan sa kanilang mga pampublikong pensyon. Inaasahan ng gobyerno na patuloy na maging isang mang-gagawa ang isang mamamayan kahit na ang mga ito ay retirado na.

Sa kasalukuyan, ang mga nakatatanda ay maaari nang maka-tanggap ng pensyon simula sa edad na 65 anyos, ngunit ang mga mamamayan ay maaaring mamili kung naisin nilang makatanggap ng pensyon sa edad na 60 anyos hanggang 70 anyos. Madaragdagan ang halaga ng matatanggap sa buwanang pensyon habang pinapatagal o inaantala ang edad ng pag kuha nito.

Ayon sa isang balangkas ng bagong patakaran, “Ang pangkaraniwang takbo ng pantay na pag-tingin sa mga mamamayang may edad na 65 anyos at pataas ay nawawalan na ng kredibilidad “. Susuriin ng pamahalaan ang (kasalukuyan) standadisasyon sa pamamagitan ng bracket ng edad at maglayon na lumikha ng isang ageless society, na kung saan ang mga tao sa lahat ng klase ng henerasyon ay maging aktibo at malayang mamili ayon sa kanilang kagustuhan.

Ang bagong patakaran na ito ay ginawa dahil sa nararanasang patuloy na pag-taas ng pag edad ng mga mamamayan sa Japan dahil sa pag-baba ng bilang ng childbirth. Inaasahan na sa darating na 2025, isa sa tatlong tao sa Japan ay nasa edad na 65 anyos o pataas.

Ang balangkas ay naglalaman ng isang numerical target upang madagdagan ang bilang ng mga patrabaho sa may mga edad na 60 anyos, na magiging 64 hanggang 67 porsyento sa taong 2020, na nag-mula 63.6 porsyento nuong 2016.

Ang gobyerno ay mag-tataguyod din ng mga hakbang upang mapa-buti ang kaagayan ng mga matatanda at mabawasan ang kanilang pangangailangan para sa nursing care, kasama sa nasabing balangkas ay ang gumagawa ng hakbang upang maiwasan na pagiging hiwalay nila sa komyunidad.

Font: JapanToday Image: Image Bank

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund