Lalaki, arestado sa pagsakal ng sanggol ng babae sa loob ng train

Kinulong ang isang lalaki dahil sa tangkang pagpatay sa isang sanggol sa loob ng train.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, arestado sa pagsakal ng sanggol ng babae sa loob ng train

Inaresto ng Police sa Saitama ang isang 22-taong-gulang na lalaki sa hinalang pag-atake pagkatapos siyang mahuli ng pagsakal sa isang sanggol na babae dahil ito ay umiiyak

Ayon sa police, ang insidente ay nangyari bandang 6:55 ng gabi noong Miyerkules sa loob ng isang train na nakatigil sa Omiya Station sa JR Kawagoe Line. Ang isang-taong-gulang na sanggol ay nagsimulang umiyak sa loob ng train at ang nanay, 25, ay tinatanggkang patahanin ang baby nang biglang lumapit ang suspect na si Kosuke Maeda at sinimulang sakalin ang sanggol, iniulat ng Sankei Shimbun.

Si Maeda ay inaresto on the spot ng isang policeman na nakasakay sa mismong train.

Ang sanggol ay hindi naman nasaktan, sabi ng police.

Banggit ni Maeda sa police na, akala niya “nasaktan ang bata” kaya niya ito linapitan ay para tulungan. Sinabi ni Maeda na hindi niya personal na kilala ang sanggol o ang pamilya nito.

Font: Japan Today Image: Sankei News
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund