Legoland Japan

Ang outdoor amusement park ay may maraming attractions na naglalayon para sa maliliit na bata at ilang mga atraksyon para sa mga kasama nilang matatanda.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Legoland Japan ay nagbukas noong April 2017 sa Nagoya, Aichi Prefecture.

Ang outdoor amusement park ay may maraming  atraksyon na naglalayon para sa maliliit na bata at ilang mga atraksyon para sa mga kasama nilang matatanda.

&nbspLegoland Japan

Ang mga bibisita ay makakakita ng malalaking Lego models, rides, building stations at mga kainan.

Ang amusement park ay nahahati sa pitong themed areas, na nagma-match sa iba’t-ibang universe ng Lego world.

Sa gitna ng park ay ang “Miniland Japan” na kung saan na highlight ang iconic attractions ng buong bansa at ibinuo ito ng milyong mga Lego bricks.

&nbspLegoland Japan

Dito, matatagpuan ang Kyoto, Tokyo at Mount Fuji na magkakatabi sa bawat isa. Ang umiikot na Observation Tower na malapit sa Miniland ay magpapakita ng bird’s eye view ng park at mga katabing lugar.

&nbspLegoland Japan

Ang Factory at Bricktopia ay dalawang  themed areas na matatagpuan sa entrance ng park.

Ang Factory ay maga-alok ng factory tour sa mga bisita at malalaman kung paano ginagawa ang Lego bricks kasama na ang mga uri ng makinang ginagamit.

&nbspLegoland Japan

Ang Bricktopia ay may mga rides at mayroon ding hands-on area na kung saan makaka-attend ng workshops upang mapag-aralan ang tungkol sa model at paglikha ng robotics, at isang model building at testing room. Mayroon din na Duplo playground para sa mga toddlers.

Ang opisyal na Lego shop, The Big Shop, ay nagbebenta ng Lego sets at mga produkto sa loob ng Lego universe.

&nbspLegoland Japan

Ang natitirang apat na areas, Adventure, Lego City, Knight’s Kingdom at Pirate Shores ay naghahandog ng  attractions at scheduled shows.

Alalahanin na ang mga shows ay sa wikang hapones lamang. Ang mas maliliit na bata ay mage-enjoy sa Lego City, isang theme zone na kung saan ginawa ito lalo na para sa mga bata.

&nbspLegoland Japan

Mayroong isang themed stores at restaurant sa bawat lugar, pati na rin ang isang free-to-build na seksyon para sa mga bisita na gustong bumuo ng mga modelo.

&nbspLegoland Japan

May mga Character mascots din na matatagpuan sa mga themed areas na pumapayag na magpakuha ng litrato.

May mga magagandang koleksyon ng shops at restaurants na matatagpuan sa labas ng entrance ng Legoland. Dagdag pa dito, may Legoland Hotel at aquarium na kasalukuyang tinatayo at inaasahang magbubukas sa 2018.

&nbspLegoland Japan

Horas at Presyo

Horas

May iba’t ibang oras, kadalasan ay 10 am hanggang 5pm tuwing weekdays, hanggang 6pm o mas late tuwing weekends at national holidays; tignan ang official website para sa mga detalye

Sarado

Martes at Miyerkules tuwing low season; tignan ang official website para sa mga detalye.

Admission

6900 yen (13 years old pataas), 5300 yen (3 hanggang 12 years old); up to 10% discounts kapag bumiling ticket in advance; dagdag pa dito, ang discounted family passes ay available sa pamamagitan ng advance purchase lamang.

Para sa karagdagang impormasyon: Legoland Japan (Japanese at English)
Para sa direksyon ng Google Maps, tignan dito.

Images: Portal Japan
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund