Ang isa sa pinakamalaking roller coaster na gawa sa kahoy sa buong mundo ay tumakbo sa pinakahuling pagkakataon sa Kuwana, Mie Prefecture, noong Enero 28 pagkatapos nitong magbigay ng thrill sa nakakalula nitong taas, nakakahilong paikot-ikot at saya sa loob ng 24 na taon.
Ang mga bisita sa Nagashima Spa Land noong araw na iyon ay ang pinaka-huli sa 22 milyong katao na sumakay sa White Cyclone roller coaster simula nang binuksan ang parke noong Marso 1994.
Ang White Cyclone ride ay may 1,715 meters na haba at may 45.5 meters mula sa kanyang pinakamataas na punto. Maliban sa mga pako, bolts at bakal, ang roller coaster ay halos binubuo ng kahoy, kabilang na ang mga haligi. Ang mga ugong at tunog mula sa kahoy sa tuwing operasyon nito ay isa ring atraksiyon sa mga bisita.
Ang roller coaster ay naging simbolo ng amusement park (Wikimedia/Janma)
Ang mga puting frames na haligi ng bakal ay halintulad sa isang bundok na napuno ng snow, at ang ride na ito ay ang naging simbolo ng amusement park.
Noong bandang alas 5:30 ng hapon, sa oras ng pagsasara ng parke, may 30 na empleyado ang pinanood ang huling pagtakbo at pinalakpakan ang White Cyclone cars habang ito ay pabalik sa istasyon nito sa kanyang huling oras.
Sa spring ng 2019, ang parke ay nagpa-plano na magsimula ng isang ganap na bagong roller coaster ride na tinatawag na Hybrid Coaster, na binubuo ng kahoy at bakal.
Tignan ang video para sa huling pagtakbo ng White Cyclone:
Source: Asahi Image: Wikimedia
Join the Conversation