Babae, arestado sa diumano’y pagpilit sa teenager na girlfriend ng kanyang anak na pumasok sa prostitusyon

Itinanggi naman ng suspect ang mga paratang laban sa kanya, sinabi nya na, "ginawa ito ng teenager sa sarili nya." Ayon sa pulisya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang 55-taong-gulang na ina ang inaresto noong Enero 29 sa suspetsang pagpilit sa teenager na kasintahan ng kanyang anak na lalaki sa prostitusyon.

Itinanggi naman ng suspect ang mga paratang laban sa kanya, sinabi nya na, “ginawa ito ng teenager sa sarili nya.”

Ayon sa pulisya, ginamit ng babae ang twitter upang magtransaksyon para sa teenager, na 17 taong gulang ng mga panahong iyon, na makipagtalik ng mahigit 20 na beses.

Ang babae ay naaresto dahil sa pag-uusig ng paglabag sa batas welfare ng bata.

&nbspBabae, arestado sa diumano'y pagpilit sa teenager na girlfriend ng kanyang anak na pumasok sa prostitusyon
Pinaniniwalaan na ang nanay ay kumita ng mahigit 700,000 yen sa pagtransaksyon ng batang babae para makipagtalik.  (ANN/reproduction)

Ayon sa imbestigasyon, ang teenager ay naglayas sa kanyang tirahan at lumipat sa bahay ng kanyang 18-taong-gulang na kasintahan at ang kanyang ina sa Nerima Ward. Ang ina ay di-umano’y nag-utos sa teenager na makipagtalik sa mga lalaki na nakatransakayon sa pamamagitan ng Twitter at sinabi nya na “Dapat siyang kumita para maka-ambag sa mga gastusin sa bahay.”

Sa isang pagkakataon, nakipagkita ang dalagita sa isang lalaki na nasa kanyang 50s sa isang hotel sa Toshima Ward ng Tokyo noong Disyembre 2016, sinabi ng pulisya.

Sinentensiyahan ng pulisya ang lalaking ito sa mga prosekutor dahil pinaghihinalaang lumabag siya sa batas na nagbabawal sa prostitusyon ng bata at pornograpiya ng bata. Ang babae ay diumano’y nakakuha ng 45,000 yen ($ 414) mula sa lalaki.

Pinaniniwalaan na ang ina ay nakakuha ng halos 700,000 yen sa kabuuan sa pamamagitan ng pagbugaw sa batang babae na makipagtalik sa pagitan ng Disyembre 2016 at Enero 2017. Ang insidente ay natuklasan noong ang babae, na ngayon ay 18 years old na, ay umalis mula sa bahay ng suspect noong Pebrero 2017 , sabi ng pulisya.

Ang babae ay naaresto dahil sa hinalang paglabag sa child welfare law.

Source: Asahi
Image: ANN 
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund