Isang magnanakaw nahulog at namatay matapos habulin ng security guard

Isang lalaki namatay matapos mag-nakaw sa isang pamilihan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang lalaki na nahuli sa akto ng pag-nanakaw sa isang supermarket sa Utsunomiya sa Tochigi Prefecture ang nahulog sa parking lot na nag-sanhi ng kanyang pagka-matay matapos tumakas mula sa mga security guard.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang insidente ay naganap bandangalas-5:30 ng hapon ng Lunes. Base sa ulat ng Fuji TV nakita umano ng security guard sa Miyukigahara machi na inilagay ng isang lalaki sa kanyang bulsa ang anpan (red bean paste bread), gyoza at iba pang mga bagay at diretso nang umalis ng pamilihan ng hindi nag-babayad.

Nuong nakarating na sa ikalawang palapag ng pamilihan ang gwardia at ang lalaki, agad na kinompronta ng gwardia ang lalaki at nag-sabi na ” may mga bagay ka na kinuha at hindi pa binabayaran.” agad naman na sinagot ng lalaki ang gwardia na ” hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”

Sa pag-nais na maka-takas mula sa pinangyarihan, ang suspek ay lumundag sa bakuran ng paking lot, ang lalaki ay nawalan ng balanse at tuluyang nahulog sa nasabing gusali na may 7 metro ang taas na nag-sanhi ng kayang kamatayan.

Ayon sa mga pulis, ang suspek ay nasa edarang  50 hanggang 60 anyos. Inaalam pa ng mga autoridad ang katauhan ng nasabing lalaki. Nakita rin nila sa bulsa ang 8 bagay na umano’y kinuha ng lalaki sa nasabing pamilihan.

Source: Japan Today
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund