Isang lalaki sa Tokyo ang umamin sa mga pulis na itinattoo niya ang kanyang mga intial sa balakang ng babae ng 5 beses,’ ito ay para malaman ng lahat na akin siya.’
Gumamit ng safety pin at pen si Naohiro Kobayashi, 43 anyos, upang permanenteng markahan ang nasabing babae. Sa hinalang naka-gawa ng pinsala ang lalaki, siya ay naaresto nuong ika-5 ng Enero. Inamin niya rin sa mga pulis na ‘ Ito ay nagawa ko na rin sa iba pang mga babae.’
![](https://portaljapan.net/wp-content/uploads/2018/01/tatoo.jpg)
Si Kobayashi ay naninirahan sa Megurohoncho district sa kapitolio ng Meguro Ward. Inilalarawan niya ang kanyang sarili bilang isang ‘investor’.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ng Ueno, pina-inum ng suspek ang 20 anyos na babae ng isang malakas na alkohol na inumin na nag-dulot ng pagka-wala ng malay ng nito at saka niya ginawa ang pag-marka ng permanente sa balat ng babae sa ‘opisina’ sa isang multi-tenant building na inupahan ni Kobayashi sa Distrito ng Akihabara sa Tokyo, Taito Ward nuong madaling araw ng ika-15 ng Nobyembre.
Huli na ng malaman ang nasabing insidente matapos na mag-sumbong sa pulis ang biktima nuong Nobyembre.
Source: Asahi Image: News 24
Join the Conversation