Ipinasa na ang mga papeles sa prosecutors nuong Monday laban sa isang 20 anyos na lalaki na gumamit ng isang flamethrower sa park sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture.
Ayon sa nakuhang panayam ng Fuji TV sa mga pulis, ang suspect ay isang temporary employee, siya ay nahaharap sa isang misdemeanor na kaso. Ang lalki ay pinag-hihinalaan gumamit ng isang flamethrower sa prk nuong August 12 at September 24.
Ang armas na may kakayahang magbuga ng apoy ay mayroong 50 sentimetro na haba at kung ito ay gagamitin, ito ay maaaring maka-sunog ng mga bagay na may 2 metro ang layo.
Nalaman ng mga pulis ang insidente matapos mapanuod ang sa isang video sharing website ang video na kinuha mismo ng suspect habang ginagamit niya ang flamethrower.
Sinabi umano ng suspect na “Gusto ko makita ng maraming tao online, naisip ko na baka maibenta ko ang flamethrower” ani ng mga pulis.
Sinabi rin umano ng suspect sa mga pulis na siya mismo ang gumawa ng flamethrower gamit ang mga biniling piyesa mula sa isang home center.
Source: Japan Today Image: ANN
Join the Conversation