Isang lalaki ang inaresto sa pag-saksak sa isang doktor

Isang doktor sa Nagoya, ginilitan ng isang lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng mga pulis ng Aichi Prefecture ang 68 anyos na matandang lalaki matapos manaksak ang huli sa isang ospital sa Nakagawa Ward nuong Huwebes na nag-dulot ng pinsala sa isang lalaking doktor, ulat mula sa TBS News (January 26).

Hinihinalang hiniwa ni Hideyoshi Okamura isang residente sa Nagoya Mizuho Ward ang leeg ng isang 42 anyos na doktor. Ayon sa imbestigasyon, hinihinalang pumasok ang suspect sa isang examination room sa surgical department ng Fujita Banbuntane Hotokukai Hospital bandang alas-2 ng hapon at umatake mula sa likod ng biktima at hiniwa ang leeg gamit ang isang kutsilyo.

&nbspIsang lalaki ang inaresto sa pag-saksak sa isang doktor
Aichi Prefectural Police have arrested a 68-year-old man over a stabbing incident at a hospital in Nakagawa Ward (ANN/reproduction)

Ayon sa mga pulis ang doktor ay nagtamo ng isang malalang pinsala.

Matapos ang pananaksak, ang suspect na si Okamura ay tumakas sa lugar ng pangyayari, ngunit agad naman nahuli ng mga pulis makaraan ang 90 minutos sa Atsuta Ward na may mahigit 1 kilometro ang layo sa ospital.

“Nakita ko ang mga helicopter na paikot-ikot, sabi ko hindi ako makakatakas.” yan ang mga katagang binitawan ng suspect nuong siya ay nahuli na ng mga pulis. Inaresto siya sa kasong suspicion of attempted murder.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang motibo ng suspect.

Source: Tokyo Reporter
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund