Isang Chinese na lalaki, inaresto sa hinalang pagbiyahe ng walang linsensyang taxi sakay ang mga turista

Ang Chinese na lalaki ay nasita ng pulisya sa Haneda Airport sa isang crackdown ng mga ilegal na taxi

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang Chinese na lalaki ang inaresto sa hinalang pagbiyahe, sakay ang mga dayuhang turista na walang lisensya ng taxi, sinabi ng Metropolitan Police Department (MPD) sa Enero 22.

Si Liu Jiangbo, 28, residente ng Suginami Ward ng Tokyo, ay inakusahan ng paglabag sa Road Transportation Act. Sa partikular na kaso na kung saan siya ay naaresto, si Liu di-umano’y nag transport ng isang Singaporean na may limang miyembro ng pamilya mula sa Tokyo sa isang hotel sa Hakone, Kanagawa Prefecture, at mula sa hotel papuntang Haneda Airport Tokyo noong Disyembre 11 at 12 sa halagang 130,000 yen.

&nbspIsang Chinese na lalaki, inaresto sa hinalang pagbiyahe ng walang linsensyang taxi sakay ang mga turista
Si Liu Jiangbo, 28, residente ng Suginami Ward ng Tokyo, ay inakusahan ng paglabag sa Road Transportation Act (FNN/reproduction)

Ang pamilyang Singaporean ay gumawa ng reserbasyon online para sa kanilang transportasyon bandang Oktubre 2017, ayon sa MPD. Ang mga pasahero ay nakipagpalitan ng mga email kay Liu gamit ang isang mobile phone sa pangalan ng driver at ang mga pick-up point, bukod sa iba pang impormasyon.

Ang website na ginamit ng pamilya upang gumawa ng kanilang reserbasyon ay pinaniniwalaan na pinamamahalaan ng isang operator ng negosyo sa ibang bansa. Ang bayad na kinita ni Liu mula sa mga pasahero ay humigit-kumulang 45,000 yen na mas mababa kaysa sa mga karaniwang pamasahe ng taxi

Si Liu ay nasita ng pulisya sa Haneda Airport sa isang crackdown ng mga ilegal na taxi noong Disyembre ng nakaraang taon, ngunit nakatakas siya habang siya ay kinikuwestyon. Tinanggihan niya ang mga paratang laban sa kanya, sinabi nya, “Wala akong maalalang ganong pangyayari.”

Sa gitna ng lumalaking bilang ng mga dumarating na turista sa Japan, ang mga hindi awtorisadong serbisyo ng taxi ng mga dayuhan ay dumadami at nagiging isang problema sa buong bansa. Pinaghihinalaan ng pulisya na karaniwang ginagamit ng mga pasahero ang smartphone apps upang magpareserba ng mga sasakyan at ang mga banyagang residente sa Japan ay gumagamit ng kanilang mga pribadong sasakyan upang maghatid ng mga pasahero.

Source: Mainichi
Image: FNN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund