Humingi ng paumanhin ang H&M dahil sa ‘racist’ nitong hoodie advertisement

Ang fashion retailer na H&M ay humingi ng paumanhin at itinanggal ang advertisement na nag feature ng isang black na bata na naka-hoodie na may nakasulat na: "Coolest monkey in the jungle."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang fashion retailer na H&M ay humingi ng paumanhin at itinanggal ang advertisement na nag feature ng isang black na bata na naka-hoodie na may nakasulat na: “Coolest monkey in the jungle.”

Ang Swedish fashion house ay kinundina kamakailan at pinapa-boycott pagkatapos kumalat ang advertisement sa website nito.

Marami ang nag comment online na sinasabi na hindi maganda ang photo at ito ay offensive at racist. Ang iba ay nagtaka at kinuwestyon kung bakit ba naisip ng H&M na ok lang ang maglabas ng ganito.

Humingi ng paumanhin ang H&M noong Lunes. Ang hoodie ay maaari pa din mabili online ngunit tinanggal na ang larawan ng bata.

Isang magkaparehas na iskandalo din ang naganap noong nakaraang taon na ikinagalit ng marami dahil sa ads ng sabon na kung saan ipinakita ang isang black na babae na naging white na babae matapos niyang maghubad ng blouse.

Ang Europe-based beauty company ay humingi ng paumanhin dahil inakusahan ito ng racism.

Source: NHK
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund