Arestado ang lalaki sa attempted murder ng isang babae na may planong magpakamatay

Inaresto ng mga police ang isang lalaki sa Tokyo sa suspetsang pagtangkang pagpatay sa isang suicidal na teenager na babae na nakilala niya sa social media.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang insidente na ito ay nagmistulang panggagaya sa nangyaring kaso ng mass murder na ikinagulat ng buong Japan noon nakaraang taglagas. Inaresto ng mga police noong Miyerkules ang isang 28 years old na lalaki sa Tokyo sa hinalang pinagtangkaang patayin ang teenager na suicidal na nakilala niya sa social media, at nagpa-planong magpakamatay.

Ang suspect ay kinilalang si Kazunari Saito, isang newspaper delivery boy ng Asahi Shibun na galing Hachioji, western Tokyo. Nakipag usap siya umano sa babae, na nagpahayag ng kanyang saloobin sa Twitter na nagbabalak siyang magpakamatay, pinadalhan niya ito ng message noong katapusan ng Disyembre na tutulong siya at papatayin siya nito, at nakipagkita at dinala niya ang babae sa kanyang kuwarto sa dorm room ng kanyang pinagta-trabahuan noong Martes at doon niya ito tinangkang sakalin gamit ang lubid. Si Saito ay hindi naka schedule na magtrabaho noong mga oras na iyon.

Ang babae ay nakatakas sa kuwarto noong umaga ng Miyerkules pagkatapos umalis si Saito para pumasok sa kanyang trabaho, tinawagan niya ang kanyang tatay upang sumaklolo, ayon sa mga police.

Inamin naman ni Saito ang mga paratang sa kanya, ayon sa kanya, ginawa niya yon dahil hiniling ito ng babae na gawin sakanya.

Ayon naman sa opisyal ng Asahi Shimbun,” tutuunan namin ng pansin ang insidente na involve ang isa naming worker sa aming sales office”.

Noong nakaraang October, si Takahiro Shiraishi ay inaresto pagkatapos matagpuan ng police ang ilang mga chinop-chop na mga katawan na nakasilid sa cooloer boxes sa kanyang apartment sa Zama, Kanagawa Prefecture.

Siya ay suspect sa pagsakal at pag chop-chop sa 9 katao, halos lahat sa biktima ay nagpost ng saloobin sa twitter na gustong magpakamatay at kinausap sila ni Shiraishi online at dinala sa kanyang apartment.

Source: Japan Times, Kyodo

Image: News 24
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund