Share
Matapos ang insidenteng nangyari nuong ika-23 ng Enero sa tuktok ng bundok ng Motoshirane na nag-resulta sa pagtamo ng mga pinsala ng ilang pasahero, sinabi ng Alkalde ng Kusatsu sa Gunma Prefecture nuong ika-23 na nais niyang ipasara ang Ropeway sa Mount Kusatsu-Shirane.
“Hindi maaaring ipagpa-tuloy ang pag-ooperate ng ropeway ngayong panahon,” ayon kay Kusatsu Mayor Nobutada Kuroiwa
“Ang ropeway ay may 200-300 metro mula sa volcanic craters, kung-kaya’t imposible na maka-iwas sa area na mayroong volcano warning. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang hinaharap na pag-bubukas ng nasabing ropeway” ani pa ng alkalde.
Ang ropeway ay binuksan nuong 1960, at nag-dala ng maraming bisita dahil sa magagandng tanawin na hatid nito sa buong season.
Source: Mainichi Image: JNN
Join the Conversation