Ang Lext Ai Inc., isang wedding at funeral service operator na naka-base sa taas ng bundok ng central Japan prefecture, ay nagpakilala ng bagong sistema sa kanilang Ueda Minami Aishoden funeral facility noong Desyembro 17.
Ayon sa presidente ng kumpanya na si Masao Ogiwara, ang mga matatanda at mga taong may kapansanan na nahihirapan maka-attend “ng walang tulong ng ibang tao” ay maaari na ngayong makapag-attend at makapagbigay ng kanilang huling paalam ng mas madali.
“at sigurado na mas gugustuhin ng yumaong tao na mas maraming maka-attend sa kanyang lamay,” ayon aa may-ari.
Ang mga maga-attend sa lamay ay sasalubungin sa isang espesyal na reception counter sa isang nakatakdang lane na kung saan maaari silang magpark, makapag-register ng kanilang pangalan sa isang guest book o sa isang touchscreen tablet at makapag-abot sa attendant ng abuloy na nakalagay sa isang envelope katulad ng nakagawian.
Ang drive-thru ay magbibigay din ng pagkakataon sa mga drivers at pasahero nito na makapag-offer ng dasal at pinch ng incense sa isang electric burner at masilayan ang larawan ng namatay sa altar sa isang malaking bintana.
Isang patay-sindi na ilaw sa loob parlor ang siyang maga-alerto sa miyembro ng pamilya tuwing may dadating na bisita sa drive-thru at maaari nilang makita ang mga bisita habang namamaalam sa espesyal na monitor.
Ayon kay Ogiwara, 67, isa pang advantage nito ay hindi na kailangang mag suot ng formal black suits o dresses, na isa pang Japanese custom para sa ganitong okasyon.
Bagamat alam niya na may mga ibang tao na hindi sasang-ayon sa ganitong sistema ng nakasanayang ritwal na magkaroong ng isang 21st century makeover, pinaalala ni Ogiwara na “ang mga bagong bagay ay kadalasang mahirap tanggapin sa una, ngunit kapag hindi nating kayang tumanggap sa pagbabago, ay hindi magkakaroong ng mga bagong idea na makakabuti sa pangangailanagan ng bagong henerasyon”.
Source: Asahi Image: NHK
Join the Conversation