Gifu (Minokamo): Grand Opening ng bagong store ng Mugen Group!

Sa March 4 at 5, Magkakaroon ng Super Mega Promotion ng Philippine at imported products ang bagong Mugen Foods store sa Minokamo! May mababang presyo + 15% discount pa pagdating sa cashier. Huwag palampasin ang chance na ito na makapamili sa murang halaga!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Mugen Group (Mugen Foods at Mugen Homes) ay magbubukas ng panibagong tindahan ngayon at sa siyudad ng Minokamo! Madaming klase ng mga paninda na imported at Philippine products (I-click dito para sa access map ).

Ang Mugen Group ay mayroon nang Filipino, Brazilian at imported products stores sa Suzuka at Komaki at ang online store na nagde-deliver sa buong Japan. Bukod pa dito ay may sikat na Mugen Homes, na nakapagpatayo na ng mahigit 120 na bahay para sa mga foreigners nitong nakaraang taon.

Opening + Promotion

Ayon sa may-ari ng Mugen Group, Ang opening ng store sa Komaki ay napaka-successful at naglalayon silang ulitin muli ang promotion na ginawa nila sa tindahan sa Minokamo, “Ang mga produkto ay pe-presyuhan ng mura sa shelves, at pagdating sa cashier ay mabibigyan pa din ng discount na 15% off”, sabi ni Adilson Kishigami.

Weekend Economy: Sa March 4 at 5 (Sabado at Linggo) ay inaasahang magkakaroon ng maraming bilang ng customer sa opening ng Mugen Foods sa Minokamo na lulubusin ang pagkakataong makapamili sa murang halaga.

Pamimigay ng regalo at pa-raffle: Sa opening day, may mga iba’t-ibang company na mamimigay ng regalo at mga free taste ng mga iba’t-ibang uri ng pagkain. Bukod pa dito, may mga pa-raffle din na pwedeng masalihan ang customer.

Ang store ay nag-iisa lamang sa region na authorized Western Union agent. Safe na makakapag-padala ng pera sa ibang bansa.

Iba’t-ibang options para sa mga customers.

Ang buong tindahan ay mare-renovate at mapapalawak at magfe-feature ng mga sumusunod na items:

  • 2 floors na may iba’t-ibang options para sa customer.
  • Malawak na space at maraming klase ng Brazilian at imported products.
  • Malaking area para sa frozen products
  • Coffee Shop Mugen Foods
  • Mugen Foods Restaurant – madaming pagpipilian na menu
  • Libreng Parking

Tiyak na maraming options para sa buong pamilya na bibisita sa Mugen Group store sa Minokamo.

Kosultasyon para sa Home Ownership

May mga nakastand-by na representatives ng Mugen Homes para sagutin ang mga tanong ninyo tungkol sa homeownership dito sa Japan. Sa mga nandoon, makakapag-konsulta tungkol sa:

  •  General financing, values at documentation.
  • Home Design: Paano gumagana ang sistema ng Mugen Homes
  • Family Planning sa Japan.

Iba pang serbisyo sa opening:

Sa opening, may mga iba din na companies na mago-offer ng kanilang mga serbisyo sa mga customers:

  • Banking service sa pagpapadala ng pera sa abroad
  • au – Telephone mobile company

Mugen Group sa Minokamo

I-click dito para sa access map

Opening: March 4 at 5
Horas: simula 10am hanggang 9pm (bukas araw-araw)
Address:  Gifu-ken Minokamo-shi Kawai-cho 2 Chome-8

Map:

In this article

Other News


Join the Conversation

.