Inangat ng Gobyerno ng bansang Hapon ang bilang ng taunang mga turista sa 30 milyon sa kadahilanang halos maaabot na ang 20 milyong bilang na sa kasalukuyang target, pahayag ng opisyales ng gobyerno.
Isang bagong panel ang ilulunsad at sila’y magpupulong ngayong Lunes para magbuo ng karagdagang hakbang hanggang sa katapusan ng taong eto para makamit ang panibagong layunin ayun pa kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga sa isang panayam.
Aabot 19.5 milyong mga turista ang inaasahang bibisita ngayong taon pahayag pa ni Suga sa kanyang talumpati noong nakaraang buwan. Ayun pa sa tala ng Japan National Tourism Organization ang bilang na 15 milyon ay naabot na noong ika-9 ng Oktubre at patuloy na tumataas ito mula 13.41 milyon noong 2014.
Isaalang-alang ng Panel ang mga tulad na panukalang hihikayat sa murang carriers para sa mga turistang bibisita nang sa gayun ay madadagdagan ang paggamit sa mga lokal na daungan sa buong bansang Hapon, kailangan ding pabilibisin ang pagsusuri ng immigrasyon pahayag pa ng Opisyal ng Gobyerno.
https://www.youtube.com/watch?v=jPQFoXBlADU
Source: News on Japan
Join the Conversation