Misis kinatay ng selosong live-in partner

Patay ang isang 40-an­yos na ginang nang siya ay pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa ng gabi dahil sa matinding selos. Kinilala ang biktima na si Lolita Gabisan na  idineklarang dead-on-arrival sa Bukidnon Provincial Medical Center sanhi ng malalalim na saksak na tinamo sa katawan partikular sa kaniyang likuran. Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Johnny Betonio, nasa hustong gulang  na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Democrito Asiong, Spokesman ng Bukidnon Police naitala ang krimen sa tahanan ng maglive-in partner sa Purok 6, Brgy. Casisang, Malaybalay City ng lalawigang ito bandang alas-8:42 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang ginang  nang magising ito sa malakas na kalabog na nilikha ng naiiritang suspek na labis umanong nagseselos sa biktima. Nauwi ito sa mainitang pagtatalo kung saan ay pinararatangan umano ng suspek ang...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Patay ang isang 40-an­yos na ginang nang siya ay pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa ng gabi dahil sa matinding selos.

Kinilala ang biktima na si Lolita Gabisan na  idineklarang dead-on-arrival sa Bukidnon Provincial Medical Center sanhi ng malalalim na saksak na tinamo sa katawan partikular sa kaniyang likuran.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Johnny Betonio, nasa hustong gulang  na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

&nbspMisis kinatay ng selosong live-in partner

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Democrito Asiong, Spokesman ng Bukidnon Police naitala ang krimen sa tahanan ng maglive-in partner sa Purok 6, Brgy. Casisang, Malaybalay City ng lalawigang ito bandang alas-8:42 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang ginang  nang magising ito sa malakas na kalabog na nilikha ng naiiritang suspek na labis umanong nagseselos sa biktima.

Nauwi ito sa mainitang pagtatalo kung saan ay pinararatangan umano ng suspek ang ginang  na may kinahuhumalingang ibang lalaki  hanggang sa pagsasaksakin nito ang biktima.

Source and image: Pilipino star Ngayon
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund