Ama, 2 anak dedo sa van vs bus

Nasawi ang mag-aama matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa isang pampasaherong bus kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Agdangan, Baao, Camarines Sur. Ang mga nasawi ay sina Jose Sabordo Jr. 43, may-asawa driver; anak na sina Mark Jayson,16; at John Vic, 5. Ang mga sugatan na sakay ng van ay sina Janine Sabordo, 7; John Michael Sabordo,11; Louie Benosa; Sandy Makahilig, 38; Edilberto Baluyot, 45, pawang mga residente ng Sitio Banase, Pawili, Bula, Camarines Sur at mga pasahero ng pampasaherong bus na sina Ceasar Rayan Baluso, 28; Daniel Sagala, 25; at Aldon Canas, 32. Sa ulat bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling araw ay sakay ang pamilya Sabordo ng Isuzu van (WLC-160) na binabaybay ang nasabing highway patungo sa Metro Manila. Nang-overtake umano ito at nasalubong ang paparating na Philtranco bus (AJA-4870) na minamaneho ni Dennis Bolabon at nagsalpukan. Namatay noon...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nasawi ang mag-aama matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa isang pampasaherong bus kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Ang mga nasawi ay sina Jose Sabordo Jr. 43, may-asawa driver; anak na sina Mark Jayson,16; at John Vic, 5.

Ang mga sugatan na sakay ng van ay sina Janine Sabordo, 7; John Michael Sabordo,11; Louie Benosa; Sandy Makahilig, 38; Edilberto Baluyot, 45, pawang mga residente ng Sitio Banase, Pawili, Bula, Camarines Sur at mga pasahero ng pampasaherong bus na sina Ceasar Rayan Baluso, 28; Daniel Sagala, 25; at Aldon Canas, 32.

Sa ulat bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling araw ay sakay ang pamilya Sabordo ng Isuzu van (WLC-160) na binabaybay ang nasabing highway patungo sa Metro Manila.

Nang-overtake umano ito at nasalubong ang paparating na Philtranco bus (AJA-4870) na minamaneho ni Dennis Bolabon at nagsalpukan.

Namatay noon din ang magkapatid na sina Mark Jayson at John Vic habang dead-on-arrival sa ospital ang ama nila na driver ng van.

Source and image: Pilipino Star Ngayon
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund