5 magkakamag-anak minasaker sa bahay

Magkakasunod na minasaker ang limang magkakamag-anak kabilang ang tatlong bata matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Ebrahim Agal, 50; Sara Agal, 9; Pama Agal, 10; Mustafa Agal, 12; at Mohamed Agal, 18. Naisugod naman sa Kidapawan Specialist Hospital  at Cotabato Provincial Hospital sina Jerry Liposil, 42; Nasrudin Agal, 9; at si Maki Agal. Nabatid na ang mga batang biktima ay mag-aaral ng Lumayong High School. Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan sina Mojani Agal, 3; lola na si Lipusin Agal, 63; at si Anida Agal. Sa impormasyon mula kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, walang habas na pinagbabaril ang mga biktimang natutulog sa loob ng bahay na malapit sa ilog. Sa pahayag ni Chairman Bong Bacana ng Barangay Kayaga sa...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Magkakasunod na minasaker ang limang magkakamag-anak kabilang ang tatlong bata matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Ebrahim Agal, 50; Sara Agal, 9; Pama Agal, 10; Mustafa Agal, 12; at Mohamed Agal, 18.

Naisugod naman sa Kidapawan Specialist Hospital  at Cotabato Provincial Hospital sina Jerry Liposil, 42; Nasrudin Agal, 9; at si Maki Agal.

Nabatid na ang mga batang biktima ay mag-aaral ng Lumayong High School.

Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan sina Mojani Agal, 3; lola na si Lipusin Agal, 63; at si Anida Agal.

Sa impormasyon mula kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, walang habas na pinagbabaril ang mga biktimang natutulog sa loob ng bahay na malapit sa ilog.

Sa pahayag ni Chairman Bong Bacana ng Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, ang mga biktima ay residente ng Sitio Lumayong nang harasin ng mga armadong kalalakihan kaya napilitang lumipat sa nasabing barangay.

Pinaniniwalaang may malalim na alitan ang mga biktima at grupo ng kala­lakihan kaya isinagawa ang pamamaslang.

Source and image: Pilipino star Ngayon
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund