3 patay sa pamamaril

Tatlo-katao ang napatay habang isa naman ang grabeng nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa panibagong karahasan naganap sa Purok 3, Barangay Upper Sicpao sa bayan ng Sominot, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jorge Cataga, 57; Neri Cataga, 53; at si Zean Lavaro, 2. Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang sugatang si Zeo Cataga, 14. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-7:40 ng gabi sa nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang niratrat ang mga biktima ng mga kalalakihan na sinasabing naging kaaway nila sa nasabing barangay. Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong banggaan ng kalabang pamilya ang isa sa motibo ng pamamaril. Source and image: Pilipino Star Ngayon Share this:TweetEmail

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tatlo-katao ang napatay habang isa naman ang grabeng nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa panibagong karahasan naganap sa Purok 3, Barangay Upper Sicpao sa bayan ng Sominot, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Jorge Cataga, 57; Neri Cataga, 53; at si Zean Lavaro, 2.

Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang sugatang si Zeo Cataga, 14.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-7:40 ng gabi sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang niratrat ang mga biktima ng mga kalalakihan na sinasabing naging kaaway nila sa nasabing barangay.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong banggaan ng kalabang pamilya ang isa sa motibo ng pamamaril.

Source and image: Pilipino Star Ngayon
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund