Share
Nag-labas ng pahayag ang unibersidad ng Aoyama Gakuin nuong linggo na dahil sa isang online bomb threat, pinag-desisyonan ng pamunuan ng nasabing paaralan na i-kansela ang pasok ng lunes.
Nadiskubre ng pamunuan ng unibersidad ang nakaka-kilabot na mensahe online na nag-sasaad ng “ Isang bomba ang inilagay sa isang lugar sa loob ng unibersidad at ito ay maaaring mag-resulta sa pagka-matay ng maraming tao pagka-tapos ng Golden Week.”
Nag-labas ng pahayag ang pamunuan ng unibersidad sa opisyal na website nila, na dahil sa nasabing banta, napag-desisyonan nila na ipa-sara muna ang unibersidad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Sila ngayon ay nakikipag-tulungan sa mga awtoridad.
Source: Japan Today Image: Wikimedia
Join the Conversation