&nbspIlang parte ng Japan naghahanda sa patuloy na mga pag-ulanAng walang tigil ng pagbagsak ng malakas na ulan ay maaaring magdala ng higit pang pagbaha at landslide sa Japan. Mahigit sa 10,000 katao sa kanluran ng bansa ang pinapayuhan na lisanin ang kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na pagsama ng panahon.

Ang mga opisyal ay naglabas ng mga order ng evacuation at mga advisory noong Martes, matapos ang isang ilog sa Shimane Prefecture ay umapaw mula sa mga banks nito.

May mga ulat ng pagbaha ng parehong mga kalsada at loob ng tahanan.
Sinabi ng isang residente na ang ilog ay maputik at matindi ang daloy.

Patuloy ang paghahanap para sa higit sa isang dosenang nawawalang mga tao. Pitumpu’t dalawa pa ang namatay.
Mahigit isang linggo pagkatapos ng unang pagsama ng panahon sa rehiyon, ang mga pamayanan ay patuloy na nagtutulungan upang matulungan ang mga nangangailangan.

@NHK world

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund