Share

Isang drone ang nakita na lumilipad sa bakuran ng Imperial Palace sa Tokyo noong Huwebes ng hapon. Kinuwestiyon ng mga opisyal ng Imperial Guard Headquarters ang dalawang dayuhang turista na pinaniniwalaang nagmamaneho ng remote-controlled aircraft.
Sinabi ng Imperial Guard Headquarters at Tokyo Metropolitan Police Department na nakita ng isang guwardiya ang drone na lumilipad sa ibabaw ng Sakashita-mon Gate at Kikyo-mon Gate bandang 1:30 ng hapon.
Kinuha ng mga opisyal ang drone at iniinterbyu ang mga turista. Tila hindi alam ng dalawa na ipinagbabawal ang paglipad ng drone sa paligid ng Imperial Palace sa prinsipyo.















Join the Conversation