Babae, arestado matapos manghagis ng mga gamit mula sa balkonahe ng ika-10 na palapag dahil sa mga ‘maingay’ na estudyante sa ibaba

Inaresto ng pulisya sa Osaka ang isang 46-taong-gulang na babaeng walang trabaho sa hinala ng tangkang pagpatay matapos siyang magtapon ng mga spray can at ceramic item, kabilang ang isang piggy bank at vase, mula sa kanyang apartment sa ika-10 palapag sa mga estudyante sa isang tennis court sa katabing high school. #portalJapan see more ⇩⇩⤵⤵

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBabae, arestado matapos manghagis ng mga gamit mula sa balkonahe ng ika-10 na palapag dahil sa mga 'maingay' na estudyante sa ibaba

OSAKA
Inaresto ng pulisya sa Osaka ang isang 46-taong-gulang na babaeng walang trabaho sa hinala ng tangkang pagpatay matapos siyang magtapon ng mga spray can at ceramic item, kabilang ang isang piggy bank at vase, mula sa kanyang apartment sa ika-10 palapag sa mga estudyante sa isang tennis court sa katabing high school.

Sinabi ng pulisya na inamin ng babae ang paratang at nagsabing: “Ang iingay kasi ng mga estudyante kaya gusto kong patahimikin sila.”

Ang suspek ay inakusahan ng paghagis ng mga bagay sa tennis court sa Higashiyodogawa High School bandang alas-9:35 ng umaga noong Martes.

Halos isang dosenang estudyante at isang guro ang nasa court noong panahong iyon. Walang nasugatan. Ang pinakamalapit na estudyante ay mga 1-2 metro ang layo mula sa lugar kung saan nakalapag ang mga bagay.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang high school bago ang insidente na nagrereklamo tungkol sa ingay.

Hinanap ng mga pulis ang babae sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund